Ang Dalawang Luntaie

Si Cassiopea ay nagkakamali rin. Naging reyna ng Lireo si LilaSari, taliwas sa sinabi niya noon. Hindi rin naabot ng kanyang tanaw ang pagkakaroon ng ikalimang brilyante. Dahil sa pabago-bagong kinabukasan ng Encantadia, maaari rin kayang hindi nakita ni Mata na ang bilang ng Tagapagligtas ng Encantadia – ng Luntaie – ay hindi lamang isa kundi dalawa?

Si Lira ang Luntaie na ipinagmamalaki ni Cassiopea. Si Lira ang siyang magbubuklod sa apat na magkakapatid na sang’gre na ang hatid ay ang mas malakas na puwersa laban sa kasamaan.

Si Mira naman ay hinulaan ni Cassiopea na tatalikuran ang Encantadia dahil sa isang lalaki. Nagkatotoo na ba ang hulang ito? Maaaring oo pagkat nilayasan na niya ang kanyang tahanang mundo at nagtungo sa mundo ng mga tao. Ngunit maaaring hindi pa. Lumisan din kasi si Mira dahil ginamit lamang siya ng dalawa niyang ina para sa kani-kanilang interes. Isa pa, hindi pa niya nakakatuluyan ang lalaki sa tagna (bagaman ang pagkakakasal nila ay hindi tuwirang bahagi ng tagna) kung kaya hindi pa niya tunay na tinalikuran ang sariling lahi.

Sa ika-95 na episodyo ng Encantadia, isang puting paruparo na galing mismo sa palad ni Bathalang Emre ang bumisita kay Mira sa mundo ng mga tao. Nang dahil sa paruparong ito, tumulo ang luha ng pananabik sa kanyang mga kadugo.

Ngayon, walang duda na babalik sa Encantadia si Mira sapagkat malinaw na inatasan na siya ni Emre ng isang misyon. Hindi pa man din niya tuluyang batid, ngunit isa na siyang sugo, o Sugo. Sugo na maaaring kahalintulad na rin ng Luntaie.

15179031_1316523685064921_4656668879444161433_n

Tuloy naalala ko ang twist noon sa Mulawin (2004). Ang buong akala ng lahat ay nag-iisa lang ang Sugo – si Alwina lang. Ngunit namangha na lamang si Aguiluz (at siyempre ang mga Mulawinner) nang maihayag na siya ay isa rin palang Sugo.

Subalit, ano kaya ang magiging misyon ni Mira at ano ang kaugnayan nito sa sariling misyon ni Lira? Iyan ang dapat nating paka-abangan sa mga susunod na kabanata.

PERO . . . narito muna ang isang teoryang aking nabuo. 🙂

Tunay ngang mahirap isipin kung ano ang kahinaan ni Hagorn – ang nagproklama sa kanyang sarili bilang Hari ng Encantadia at ang kasalukuyang humahawak sa tatlong brilyante. Tila wala nga yata siyang kahinaan. Ngunit naisip ko: si Mira ay apo ni Hagorn anupat kinagigiliwan niya ito. Itinakwil na ni Hagorn si Pirena, ngunit hindi si Mira. Sa mga nakaraang episodyo, ipinakita na magaan ang loob ni Hagorn sa apo. Walang bahid ng masamang motibo (di tulad kay Pirena). Tinuruan pa nga niya si Mira ng mga ‘aral’ at dinamayan nang minsang tumangis ang sang’gre na noon ay nag-akalang siya ang tagapagmana ni Amihan – ng Lireo. Sa mga pagkakataong iyon, lihim niya kayang itinatatak sa isipan na si Mira ay gagawin niyang sariling tagapagmana balang araw? Maaari. Mahirap paniwalaan dahil sa ubod ng kaswapangan ni Hagorn sa kapangyarihan. Ngunit alam ni Hagorn na hindi habang buhay siya ay buhay. Mamamatay at mamamatay siya. Hindi naman siya naghahangad ng imortalidad, hindi ba? Ito ang dahilan kung bakit niya kailangan ng tagapagmana. Samakatwid, si Mira ang kanyang kahinaan.

Sa pagbabalik ni Mira sa Encantadia, masasaksihan niya ang kinasadlakan ng kanyang kinalakihang kaharian, at mundo. Maaawa siya sa sinapit ng mga kalahi niya at ng mga encantado at encantadang pinapahalagahan niya. Kung magiging mautak si Mira, magpapanggap siyang totoong kumakampi kay Hagorn. Sasabihin niyang masamang-masama pa rin ang loob niya kina Pirena at Amihan. Lilinlangin niya ang kanyang Lolo Hagorn.

vlcsnap-2016-06-24-10h52m39s796

Sa pagdating ng puntong malalaman ni Hagorn na ang asawa niyang si LilaSari ay taksil at kalaban, tatanggalan niya ito ng korona bilang Reyna ng Lireo at si Mira ang kanyang isusunod na iluluklok. (Muli, nagkamali na naman si Cassiopea sa pagsasabing hindi magiging Reyna si Mira.)

Sa pamamagitan ng mabubulaklak na salita ay maaaring makakuha/makahiram si Mira ng kahit isang brilyante lang kay Hagorn. Sa munting fanfiction na ito, ang Brilyante ng Ikalimang Elemento ang matatanggap ni Mira. Maaari niya muna itong pangalagaan. Pagdating ng tamang oras ay ibabalik ito kay Paopao. Pansamantala, ibibigay niya ito kay Lira. Gagamitin ni Lira ang ikalimang brilyante upang basbasan at ganap na pagbukludin ang Apat na Sang’gre. Mainam dahil ang ikalimang brilyante ay simbolo ng pagkakaisa.

Kung nakahihigit na ang bilang ng brilyante na hawak ng mga sang’gre (3) kaysa kay Hagorn (2), makakapasok na ang mga sang’gre sa Lireo gamit ang ivictus (tulad ng isinaad ni Cassiopea kay Pirena). Tataas na ang tsansang talunin si Hagorn.

Si Mira din ang magiging daan upang masilayang muli ng mga Encantadik ang Setro ng Ynang Reyna. Hindi ba’t siya ang nagbilin sa isang kawal ng Lireo na ipatago ito sa Konseho? At batid niya ang kapangyarihan o kayang gawin ng Setro.

Bilang pangwakas, kung tatalikuran pa rin ni Mira ang Encantadia para kay Anthony ay nasa kanyang palad na ito. At kung si Lira’y bibiyayaan ni Bathalang Emre ng magandang kinabukasan, tiyak kong si Mira din ay makakaranas ng wagas na kaligayahan. 🙂 ❤

PS: Kailan kaya babalik sa Encantadia si Mira? Maalala kaya ni Mira si Lira sa kabila ng sumpa ni Ether na maglaho si Lira sa alaala ng mga nakakakilala sa kanya?

Note: Encantadik is to Encantadia as Mulawinner is to Mulawin. Please pausuhin natin ang Mulawinner! Haha! 😀

-GS

Advertisements

3 Comments Add yours

  1. Jae says:

    “Naging reyna ng Lireo si LilaSari, taliwas sa sinabi niya noon.”

    Kahit sa ngayon, si LilaSari ay reyna ng Lireo sa tawag lamang. Sa kabuuan ng lahat ng bahagi ng Encantadia na ipinapalabas, hindi pa kailanman ipinakikita na si LilaSari ay may tunay na kapangyarihan ng isang reyna sa Lireo. Ang katayuan niya ngayon ay hindi nalalayo sa katayuan ni Pirena noong naging reyna siya ng Lireo sa tabi ni Hagorn. Kung tutuusin, mas makapangyarihan pa noon si Pirena sapagkat mayroong mga kawal ng Lireo na naging tapat sa kanya noong siya ay Reyna.

    “Si Mira naman ay hinulaan ni Cassiopea na tatalikuran ang Encantadia dahil sa isang lalaki.”

    It’s self-fulfilling prophecy that Cassiopea forced to come true. Lira wouldn’t have “fallen” for Anthony at that time she was shown the prophecy if Cassiopea didn’t outright show him the guy. Lira did introduce them later but that’s another story.

    P.S. Mulawinner?! Please, don’t.

    (hahaha… Hindi ko kinayang isalin sa Filipino lahat ng mga punang nais kong isulat!)

    Like

    1. Avisala! Avisala eshma for the feedback, ka-Enca Jae! Hindi ka ba sumasang-ayon sa sinabi kong nagkakamali rin si Cassiopea? Hindi ko kasi sure kung tinataliwas mo ang ilan sa mga sinabi ko pero heto ang masasabi ko:

      LilaSari – “Naging reyna ng Lireo si LilaSari, taliwas sa sinabi niya noon.” LilaSari, by definition, is indeed the present queen. She’s a de facto queen as opposed to Amihan (who is the de jure queen, the true queen, the constitutional queen). Cassiopea herself did not rebuke this fact when she and LilaSari faced each other.

      Mira – “Si Mira naman ay hinulaan ni Cassiopea na tatalikuran ang Encantadia dahil sa isang lalaki.” Like I said in the article, I really think that it’s still undecided. *** Mira returned to Encantadia (episode 96).

      Mulawinner – Hahaha na lang! Hahaha!

      -GS

      Like

      1. Jae says:

        Avisala!

        Hindi naman sa hindi ako sumasang-ayon na nag-kakamali rin si Cassiopeia. Batid kong siya ay isang diwata lamang at ang hinaharap ay maaaring mag-bago sapagkat ito ay nababatay lamang sa isip ng mga taong sangkot sa mga pangitaing ito.

        Ang sinasabi ko lamang ay, sa mga pagkakataong binaggit mo tungkol kay LilaSari at Mira, si Cassiopeia ay hindi pa lubusang nag-kakamali. Alam kong batid mo kung ano ang ibig kong sabihin.

        At saka, noong ipinakita ni Cassiopeia kay Mira ang pangitain niya tungkol kay Anthony, ginawa ito ni Cassiopeia upang hikayatin si Mira na mag-tungo sa mundo ng mga tao upang maging daan sa pagbabalik ng tunay na Lira sa Encantadia.

        Sa usapin ng Mulawinner ay dun ako ganap na hindi sumasang-ayon. hahahaha

        (The power of Google translate!)

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s