Tulad ng reaksyon ng Encantadiks, na-goosebumps din ang mga bagong bida ng bagong inaabangang Encantadia series.
Authored by Greg Aditaca San
Kabilang sa mga guest stars ng 2023 ManiPopCon (Manila Pop Culture Convention) ang mga gaganap na mga bagong Sang’gre sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.
MUST WATCH:
Exclusive Teaser of Encantadia Chronicles: Sang’gre
![](https://encantadiasaga.wordpress.com/wp-content/uploads/2023/11/manipopcon-2023-encantadia-sanggre-photo-via-sparkle-5.jpg?w=1024)
Isa sa mga highlights ng event ang tinaguriang world premiere teaser ng nasabing Kapuso telefantasya series.
Sa inilabas na unang pasilip para sa Sang’gre, ibinahagi nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda ang kanilang mga saloobin nang mapanood ito.
POPULAR BLOG POST:
The New Gen Sang’gres are Terra, Adamus, Flamarra, and Deia
Ayon kay Bianca Umali, “Kahapon pa namin pinag-uusapan. Yun yung inaabangan namin kasi ang tagal din namin yung [shinoot]. This is the first time na makikita namin yung sarili namin in character.“
Ayon naman kay Faith Da Silva, “I felt very emotional noong napanood namin ang clip kasi ang tagal na namin siyang binubuo na to see it with my own eyes, ito na talaga yun. Visually, wala akong masabi. Yung effects, yun ang inaantay ko. Kasi siyempre napanood naman natin ang Voltes V. At saka yung standards natin, itinataas nang itinataas ni Direk Mark (Reyes).”
PANOORIN:
Ibinahagi naman nina Angel Guardian at Kelvin Miranda na puspusan silang naghahanda physically para sa kanilang Sang’gre training.
RELATED READ:
Bianca Umali and Angel Guardian reveal new information about their Encantadia characters, Terra and Deia
Ayon kay Angel, “Nagwo-workout ako sa bahay. Also, nagmu-Muay Thai ako ngayon para masanay ako sa mga movements, para kapag nag-training na kami for Sang’gre, hindi na ako nangangapa.”
At ayon kay Kelvin, “Combat sports. Siyempre inaaral ko din yung Enchan words. Medyo mahirap siyang i-pronounce kapag hindi ka sanay so kailangang sanayin mo yung dila para pag sinabi mo siya is madulas.
![](https://encantadiasaga.wordpress.com/wp-content/uploads/2023/11/new-generation-sanggres-356748.jpeg?w=1024)
Gagampanan nina Bianca, Faith, Angel, at Kelvin ang mga karakter ng bagong henerasyon ng mga Sang’gre at tagapangalaga ng mga Brilyante na sina Terra (Lupa), Flamarra (Apoy), Deia (Hangin), at Adamus (Tubig), ayon sa pagkakasunod.
Nakatakdang ipalabas ang Encantadia Chronicles: Sang’gre sa 2024 sa GMA primetime.
POPULAR BLOG POST:
GMA Network officially announces the cast of Encantadia Chronicles: Sang’gre
SUBSCRIBE TO ENCANTADIA NEWSLETTERS
3 thoughts on “Bianca, Faith, Angel, and Kelvin react on the newest teaser of their show Sang’gre”